Mr. Pogi Carlo may karelasyong lola

Iba pa rin ang alindog ng nagbabalik na Ms. Body Language Pia Moran. Tiyak na kakainggitan siya sa bagong pelikula ni direk Joel Lamangan, sa panulat ni Dennis Evangelista, ang “Lola Magdalena”, mula sa Hero Hito Productions.

Ang “Lola Magdalena” ay kuwento ng mga matatandang kababaihan na nagbebenta ng kanilang mga pagkababae para mabuhay.

Si Moran, ang literal na “magbibinyag” sa Mr.Pogi 2019 grand winner na si Carlo San Juan, na may nakakiliting pangalan na Daks.

Alam ni San Juan ang ibig sabihin ng salita at sabi niya: “Bagay na bagay siya sa akin”.

Malaki ba? Napatawa ito sa tanong at sumagot na: “Natuwa ako at natawa nu’ng nalaman ko na Daks nga ang name. Alam ko naman ang ibig sabihin nun, na malaki. Ang talagang pumasok sa isip ko, may pagkabargas si Daks. Mahangin. Tapos may karelasyon pang lola. Dun ako mas lalong nag-isip kasi nga hindi lang siya basta-basta na normal na callboy lang. May karelasyon siya.”

Hindi niya pa alam kung may kissing or love scene nila ni Ms. Moran. Wala pa ring malay ang guwapong si San Juan kung may meron siyang eksena na dapat ay naka-swimming trunks o kaya ay underwear.

Hindi naman siya nag-aalangan dito kasi nga: “Okay lang naman ‘yun kasi nga dati, sumali ako sa pageant at kasama naman dun na magsuot ng boxer briefs habang naglalakad ka on stage.”

In fair Verona kay Carlo, second runner up ito sa kanyang hometown pageant (Ginoong San Pedro) at itinanghal na Mr. Pogi 2019.

Eh sa manghihingi ng sample at patotoo na siya nga talaga ay daks, ang tugon ni Carlo na pang-best in showbiz happening ay: “ “Panoorin na lang nila ang movie. Hahahaha!”

**

JaneKen romansahan iniilusyon

Bulabog at nerbiyos ang dulot sa Sisiws, ang tawag sa fans ni SB19 Ken Suso n(Felip Jhon) sa pangmalakasang pagkilos ni Jane de Leon.

Kasi naman itong si binibining de Leon, may larawang na ang galawan eh naghuhumayskul, huh!

Sinulat nito sa isang pisara, ang “Rocksta Felip hearft Jane”,.Malapit na malapit ang kanyang pirma sa lugar kung saan matatagpuan ang signature ng sexiest PPop Royal. Ano ito, praktis ng pagpirma sa marriage certificate? Char!

Ang isa pag pagmamaganda ni Jane, sa kanyag IG Story, sa kanyang Reel, ginamit niya ang “Straydogs” song ni Felip Jhon habang rumarampa ito na pangabog ang outfit-an.

Bukas na aklat din na vocal talaga itong si Jane na ang ultimate bias niya sa SB19 ay ito ngang si Suson.

Sa mga pangmalakasang pagmamaganda ni Jane, may mga fan na durog na durog, sakit na sakit at selos na selos sa kaganapan.Kasi nga alam nilang hindi nila kayang tapatan o kabugin ang awrahan at alindog nitong si de Leon.

Meron rin namang mangian-ngilan na nagbubunyi at tuwang-tuwa sa mga nangyayari. Gusto nga nila na maging magdyowa for real ang dalawa dahil bagay na bagay ang mga ito.

Ano nga kaya ang magiging reaksyon ng mga Sisiw at A’Tin kung itong si Jane, ay nasa VIP standing ng Pagtatag concert ng SB19 na mangyayari ngayong Hunyo? May two night Manila leg concert ang Pagtatag bago ang world tour ng Pinoy PPop Kings .Kung manonood si de Leon to show her support for Ken Suson, juice colored!

Kaya ba A’Tin? Kakayanin niyo rin ba KenTell shippers? At kalmado lang kaya si Stell pag nangyari ang appearance ni Jane sa audience at kung paakyatin ito sa entablado ni Ken. Hindi kaya magiba ang concert venue dahil sa dumagadundong na sigawan at tiliang walang puknat?

Handa na ba tayo sa JaneKen romansahan?Ouch! My KenTell heart! Eme! Hahaha.

The post Mr. Pogi Carlo may karelasyong lola first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments