Pasalamat imbes na bumatikos 

“Thank you Lord for your protection. You are my shield. Amen.”

Tuwing may papasok na masamang panahon , malaking hamon para sa mga weather forecaster o meteorologist sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAG-ASA) ang magbigay ng gabay at babala sa ating mga kababayan.

Gamit ang mga nakukuhang datos , pati na ang galing sa Japan, Amerika at Metraweather , sinusuri at masusing binabasa ang bawat galaw ng bagyo .

At dahil ang paiba-ibang kilos ng kalikasan , nagbabago din ang ulat ng PAGASA .

Kaya lagi nilang binabanggit na “kung hindi magbabago ang pagkilos ng bagyo….”

Kaya nakalulungkot na sa kabila nang pagpasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ng Super Typhoon Betty , naging maganda ang panahon noong Biyernes at Sabado . Malayo ito sa inaasahan na mala-Yolanda na kalamidad .

Ang nakalulungkot , mas nauuna pa ang pagbatikos at paninira ng ilang Pilipino sa PAGASA .

Mas makakabuti na unahin muna natin ang magpasalamat sa Panginoon at iniligtas ang ating bansa sa kapahamakan .

Hanggang ngayon tila nagtatagisan ang tao at kalikasan sa tamang pagbabasa ng ikikilos ng isang weather system .

Sila ang mga eksperto at marapat lamang tayo na sumunod at mag-ingat .

Walang Personalan . @pagasa_dost

The post Pasalamat imbes na bumatikos  first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments