Inanunsyo ng Philippine Embassy sa Riyadh ang pagdating ng unang grupo ng mga Filipino pilgrim sa Saudi Arabia para sa 2023 Hajj.
Sa pahayag ng embahada nitong Linggo, Hunyo 4, higit 300 Pinoy ang dumating sa Prince Mohammed bin Abdulaziz International Airport sa Madinah noong Sabado sakay ng isang Philippine Airlines flight.
Ayon sa Philippine Embassy, mahigit 7,200 Pinoy ang inaasahan nilang maglalakbay sa Saudi Arabia para sa Hajj ngayong taon base na rin sa National Commission on Muslim Filipino.
Ang Hajj ay isang mahalagang espirituwal na paglalakbay sa Mecca ng mga Muslim na kinakailangan nilang gawin ng isang beses sa kanilang buong buhay.
Nakahanda naman umano ang Philippine Embassy na umalalay sa mga Pilipinong Muslim hanggang sa matapos ang Hajj.
The post Mga Pinoy Muslim biyaheng Saudi para sa Hajj first appeared on Abante Tonite.
0 Comments