Kalaboso ang dalawang kapitan ng bangkang pangisda kasama ang 13 mangingisda nang ilegal nilang pasukin para mangisda ang teritoryo ng Ternate, Cavite noong Sabado.
Kasong paglabag sa Municipal Ordinance No. 2S-2011 o Illegal Fishing ang kinakaharap nina Crispin Jarilla, 50-anyos, may-ari at kapitan ng F/B Nalie; Marcelino Fernando, 32, kapitan ng FIBCA Diane Siams; Gorgonio Cano, 69; Alek Flores, 53; Danilo Adilyn, 46; Michael Irag, 42; Emarwin Potes, 32, John Carl Irag; Ariel Centeno, 32; Renaldo Tamani, 36; Rodolfo Domasig, 36; Marianito Payno Jr., 32; Roman Reyes, 40; at Danmark Ferando, 29 pawang mga residente ng
Barangay Amaya VII, Tanza, Cavite.
Sa ulat, nagsasagawa ng sea borne operation ang mga tauhan ng Ternate Municipal Police Station at Ternate Bantay Dagat Task Force sa baybayin ng Barangay Sapang 1, Ternate Cavite nang masabat ang mga mangingisda bandang alas-5:00 nang umaga.
Ipinagbabawal sa sinuman ang pangingisda sa nasabing baybayin.
Inaresto ang mga ito at kinunpiska ang kanilang mga bangka at iba pang kagamitan. (Gene Adsuara)
The post 2 kapitan, 12 pang mangingisda isinelda first appeared on Abante Tonite.
0 Comments