Ellen ayaw umasa ng datung kay Derek

Pagkatapos sagutin ni Ellen Adarna ang tungkol sa pagsusustento ni John Lloyd Cruz sa kanilang anak ni Elias sa isang netizen, muli na namang nasubukan ang pagiging prangka at totoo ng Cebuana-born actress.

Sa isang question and answer portion niya sa kanyang Instagram, walang prenong tinanong siya ng isang tagahanga kung humihingi siya ng pera sa kanyang mister na si Derek Ramsay.

Aniya, hindi raw niya nakaugalian na humingi ng datung kay Derek dahil may sarili siyang money.

Dagdag pa niya, kaya raw niyang buhayin ang sarili without her hubby’s fortune.

Paliwanag pa niya, hindi rin daw niya gagawin iyon dahil may pinagkakakitaan naman siya.

“Maybe if I don’t have a job and there’s no money coming in, maybe I will ask money from him. But that’s a desperate situation already. Masakit sa loob ko, ‘day, mabigat to ask something from someone,” aniya.

“I wasn’t raised like that. And knowing myself, I will never allow that to happen to me. I’ll find ways. So the situation is the same when we first started dating. He has his own, I have my own,” dugtong niya.  (Archie Liao)

See Related Stories:

Ellen hiwalay agad ‘pag nagtaksil si Derek

Ellen diretsang sinabi na kapag nag-cheat si Derek hiwalay na sila agad

The post Ellen ayaw umasa ng datung kay Derek first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments