Sey mo Bea? Julia magaan na karelasyon ni Gerald

Ipinapalagay ng mga Marisol na nagpasaring si Gerald Anderson sa ex niyang si Bea Alonzo nang mag-guest ang aktor sa vlog ni Isko Moreno.

Natanong kasi ng dating city mayor ng Maynila si Ge kung paano niya ide-describe ang relasyon nila ng girlfriend na si Julia Barretto.

Ani Gerald, hindi nga raw niya namalayan na umabot na sa higit na tatlong taon ang kanilang relationship ng nobya.
Sey niya, magaang karelasyon daw ang Viva artist.

Simple lang daw ito at kailanma’y di nanunumbat sa kabila ng hectic schedule niya.

Katunayan, suportado nga raw nito ang kanyang sports at pagnenegosyo.

Minsan pa nga raw ay nahihiya siya sa oras na nailalaan niya kay Julia kaya naman bumabawi rin umano siya.
Nilinaw rin niya na bagamat kasama sa plano nila ang pagpapakasal, gusto raw muna niyang maging stable financially at economically bago patali sa actress.

Bet din daw muna niyang gumawa ng “legacy” projects na puwede niyang maipagmalaki sa kanyang mga magiging anak once na naisipan niyang mag-retire sa showbiz.

Sa tanong naman ni Yorme sa ‘take’ niya sa showbiz partner na nauuwi ang pagsasama sa hiwalayan, aniya, mahirap daw talaga ang ginagalawang mundo ng mga artista.

Somewhere along the way, posible raw ang conflict among showbiz couples pero naniniwala siyang in the end, napagtatagumpayan naman ito as long na nandoon ang love nila sa isa’t-isa.

See Related Stories:

Julia excited sa date kay Gerald

Julia grabe ang pagtitiis kay Gerald

The post Sey mo Bea? Julia magaan na karelasyon ni Gerald first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments