Ilang LGU nagsuspinde ng klase, trabaho

Ilang local government unit (LGU) ang nag-anunsyo ng suspensyon ng klase at trabaho sa mga government office ngayong araw, Hulyo 31 dahil sa iniwang epekto ng bagyong Egay.

Ang mga lokal na pamahalaan na nagsuspinde ng klase at trabaho ngayong Lunes ay ang Dagupan, Pangasinan at San Simon, Pampanga.

Ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), nag-iwan si Egay ng mahigit P5.8 bilyong halaga ng pinsala sa agrikultura at imprastraktura habang umakyat na sa 16 katao ang nasawi sa pananalasa nito sa iba’t-ibang lugar.

Kabilang naman sa mga isinailalim sa state of calamity ang Abra, Bataan, Ilocos Norte at Mountain Province.
Noong Huwebes ng umaga lumabas ng Philippine Area of Responsibility si “Egay”, ayon sa PAGASA. (Issa Santiago)

The post Ilang LGU nagsuspinde ng klase, trabaho first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments