NABISTO ang kasong panghahalay ng isang lalaki nang lumabas ang kanyang warrant of arrest habang kumukuha ng police clearance na nagresulta sa kanyang pagkakaaresto sa loob ng police station sa Imus City, Cavite Biyernes ng hapon.
Hindi na pinauwi at idineretso sa kulungan ang suspek na si Nino Nvaja y Barsa, nasa wastong edad.
Sa ulat, nagtungo ang biktima sa Imus Component City Police Station sa Malagasang 1G, Imus City ala-1:00 kamakalawa ng hapon upang kumuha sana ng police clearance para sa kinakailangang dokumento sa pag-a-apply nito ng trabaho.
Subalit imbes na police clearance ang ibigay sa kanya, hindi na siya pinauwi at tuluyang pinosasan matapos ipakita sa kanya ang warrant of arrest na lumabas mula sa kanilang E-Warrant System dahil sa kasong Rape in relation to RA 7610 na inisyu ni Hon. Rogelio D. Laquihon, Presiding Judge, Ninth Judicial Region, Regional Trail Court, Brach 7, Dipoloc City noon pang 2014.
Walang inirekomendang piyansa ang korte para sa kanyang kaso. (Gene Adsuara)
The post Rape case buking sa inaplayang police clearance first appeared on Abante Tonite.
0 Comments