Kuya naingayan sa TV tinodas utol

Patay ang isang dalaga matapos saksakin ng kanyang kuya nang magkasagutan sila dahil sa ingay ng telebisyon sa loob ng kanilang bahay sa Purok 6, Barangay San Miguel, Santo Tomas City, Batangas nitong Sabado ng gabi, Hulyo 1.

Kinilala ang biktima na si Mathel Catapang, 29-anyos, na idineklarang dead on arrival sa ospital matapos saksakin ng 40-anyos na kuya na si Allan Catapang.

Ayon sa report ng Sto. Tomas City Police, natutulog sa kanilang bahay ang suspek dakong alas-nuwebe ng gabi nang dumating ang kapatidna dalaga at binuksan nito ang kanilang telebisyon.

Naistorbo sa pagtulog ang suspek kaya nagkaroon ng pagtatalo ang magkapatid.

Hanggang sa kumuha ng patalim ang suspek ay sunod-sunod na inundayan ng saksak ang biktima na tinamaan sa ibat ibang bahagi ng kanyang katawan.

Mabilis na tumakas ang suspek matapos ang pananaksak samantalang isinugod naman sa ospital ang biktima subalit binawian din ito ng buhay. (Ronilo Dagos)

The post Kuya naingayan sa TV, tinodas utol first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments