Hindi lang mg kompanya sa Pilipinas kundi maging ang mga multinational firm na mayroong opisina sa bansa ay kinuha rin umano ang serbisyo ng Brenterprise para sa resibo scam, ayon sa nakalap na impormasyon ng online news Bilyonaryo.

“The inclusion of the multinational companies in the list of those that availed of the ghost receipts supply is not actually surprising because most of their executives are local,” sabi ng source na pamilyar sa patuloy na imbestigasyon ng mga awtoridad kaugnay sa nadiskubreng resibo scam.

Dahil dito, ipapatawag din umano ang mga opisyal ng mga nasabing multinational firm para ipaliwanag kung bakit kasama ang pangalan ng kanilang kompanya sa listahan na napasakamay ng mga awtoridad.

“Like local firms, the multinational companies will also be subpoenad to shed lighr on their inclusion in the list,” sabi ng source.

Napag-alaman na nasa 2,000 malalaki at maliliit na kompanya ang nadiskubreng ng mga pekeng resibo mula umano sa Brenterprise Corporation na sinasabing pag-aari ni Bren Chong.

Una nang sinabi ng mga imbestigador na kabilang sa mga kompanya na kanilang nasilip sa listahan ng mga bumili ng pekeng resibo ay mula sa real estate, food distribution, car distribution, at construction. Pero, may kasama rin umano sa listahan na mula sa mga small at medium company.

Tinawag ng mga awtoridad bilang “tax evasion of the highest order” ang modus sa nadiskubreng resibo scam. Hindi umano ito magtatagumpay kung walang kasangkot o kasabwat na mga tao sa loob ng ilang ahensya ng gobyerno.

“Why all these years, the ghost receipts passed scrutiny is a question that should be addressed. There should be equal liability between the buyer and the purchaser,” sabi ng source.

Una nang nagsampa ang Bureau of Internal Revenue (BIR) noong nakaraang linggo ng kaso laban sa mga corporate officer, accounting firms at accountants kaugnay ng resibo scam na naging dahilan umano ng pagkalugi ng gobyerno sa koleksyon ng buwis na umabot ng P17.9 bilyon.

Dalawang buwan na rin ang nakalipas nang magsampa ang National Bureau of Investigation (NBI) ng mga kasong kriminal laban kay Chong at 30 pang katao na sangkot umano sa paggawa ng mga pekeng resibo para mabawasan ang binabayarang buwis ng mga kompanya na kanilang kliyente sa modus na ito.

The post Mga ‘big firm’ buking sa resibo scam first appeared on Abante Tonite.