Wala nang sexy dancer dahil pawang mga wholesome entertainment na lamang ang papayagan ng National Bureau of Investigation (NBI) sa mga social activities, ayon sa inisyung memorandum ng pinuno ng ahensya.
Base sa inisyung kautusan ni NBI Director Medardo De Lemos para sa lahat ng empleyado, kabilang ang mga job order at casual worker, ipinagbabawal na ang mga ‘scandalous activities’ sa lahat ng social gatherings ng bureau.
Ang direktiba ni De Lemos ay bunsod ng viral video kung saan makikitang ina¬aliw ng sexy dancer ang mga opisyal at empleyado sa command conference ng NBI sa isang hotel sa Maynila noong Hunyo 30.
Binatikos ng publiko ang NBI dahil sa viral video pero sa kabila nito ay pinalawig ng Malacañang ang panunungkulan ni De Lemos na dapat sana ay magreretiro noong Hunyo.
“Distasteful, inappropriate, scandalous and socially unacceptable performances for purposes of entertainment shall not be allowed during or in the occasion of official activities by the Bureau such as but not limited to the celebration or holdings of the Anniversary, Christmas Party, Trainings, Seminars, Command conference, team building, strategic planning, assessment and similar activities,” ayon sa nilatag na guidelines ni De Lemos sa pagdaraos ng social activities.
Wala namang binigay na parusa ang NBI chief sa mga lalabag sa kanyang kautusan kundi inaatasan lamang ang mga organizer na siguruhin na masusunod ang guidelines.
Binanggit pa sa kautusan na ang klase ng entertainment sa okasyon o opisyal na aktibidad ay kailangang wholesome, gender sensitive, at family oriented.
The post NBI binawal sexy dancer sa mga miting, party first appeared on Abante Tonite.
0 Comments