Tapos na ang anomang ugnayan ng Pilipinas sa International Criminal Court (ICC).
Ito ang inihayag ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. sa ambush interview sa kanya ng media sa Zamboanga Sibugay nitong Biyernes kaugnay sa pagpupumilit ng ICC na mag-imbestiga sa war on drugs ng nakalipas na administrasyon.
Sinabi ng Pangulo na hindi makikipagtulungan ang gobyerno sa anomang gagawing hakbang ng ICC para habulin ang mga inireklamo sa umano’y extra judicial killings ng Duterte administration.
“Basta tapos na lahat ng ating pag-uusap sa ICC. Kagaya ng sinasabi namin mula sa simula, we will not cooperate with them in any way, [shape?], or form. So, we continue to defend the sovereignty of the Philippines and continue to question the jurisdiction of the ICC in their investigations here in the Philippines,” anang Pangulo.
Binigyang-diin ng Pa¬ngulo na wala nang apela o kaya ay mga hakbang na gagawin ang gobyerno kaya tatapusin na ang anomang ugnayan sa ICC.
“That’s it. We have no appeals pending. We have no more actions being taken. So, I suppose that puts an end to our dealings with the ICC,” dagdag ng Pa¬ngulo.
(Aileen Taliping)
The post PBBM sa ICC: Babu na first appeared on Abante Tonite.
0 Comments