Kapwa himas-rehas ang isang tulak umano ng ilegal na droga kasama ang kaibigan nito nang makumpiskahan sila ng mahigit P100,000 halaga ng pinaniniwalaang shabu sa Bacoor City, Cavite kahapon nang madaling-araw.

Nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 sina Florence Oliquiano, alyas Burnok at Dennis Togonon, kapwa nasa hustong gulang at mga residente ng Barangay Zapote 1, Bacoor, Cavite.

Kinalawit sila ng mga operatiba ng Drug Enforcement Unit ng Bacoor City Police sa Barangay Zapote 1, Bacoor City, Cavite matapos nilang bentahan ng shabu ang isang pulis na umaktong buyer bandang ala-1:20 nang madaling-araw.

Narekober sa dalawa ang nasa 15 gramo ng hinihinalang shabu na nay street value na P103,500.
Nakakulong ang mga ito sa Bacoor City Custodaial Facility. (Gene Adsuara)

The post Tulak, BFF kinalawit sa tobats first appeared on Abante Tonite.