Inilabas na ng Bureau of the Treasury ang implementing rules and regulations o ang mga panatuntunan kung paano ipapatupad ang Maharlika Investment Fund (MIF) o Republic Act No. 11954 na tinututulan ng maraming sector dahil sa pangambang magagamit ito sa money laundering at paniniwalang sa korapsyon mapupunta ito.
Sabi ni Finance Secretary Benjamin Diokno, ang Maharlika Fund ang magiging financing mechanism para sa mga big ticket projects na nasa infrastructure flagship project list para hindi na umasa sa official development assistance fund o pangungutang para sa pagpondo nito.
Nasa P500 bilyon ang authorized capital stock ng Maharlika Fund at itatayo ang Maharlika Investment Corporation para dito. Ang suweldo ng mga uupo sa Maharlika Fund ay pinapantay sa suweldo ng mga taga-Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na siyang may pinakamalalaking suweldo sa pamahalaan.
Ang pondo para sa Maharlika Fund ay manggaga¬ling sa dibidendo ng BSP, sa kita ng Philippine Amusement and Gaming Corporation at iba pa. Maglalagay ng P50 bilyong pondo rito ang Land Bank of the Philippines at P25 bilyon ang Development Bank of the Philippines. (Eileen Mencias)
The post IRR ng Maharlika Fund inilabas na first appeared on Abante Tonite.
0 Comments