Nagtamo ng mga paso sa katawan ang 11 katao, kabilang ang limang bumbero nang sumiklab ang sunog sa isang residential area sa Quezon City, nitong Linggo ng gabi, na nagresulta rin upang mawalan ng tahanan ang halos nasa 200 pamilya.
Kinilala ang mga nasugatang sina Insp. Miles Valdez; SFO3 Renato Roque, 46; FO1 Ronnie Racuyal, 37; FO1 Jade Medrano, 34; FO1 Robert Vincent Angeles IV, at mga residenteng sina Lodovico Zamora, 52; Lerme Lumbay, 45; Raymond Bacatan, 32; Michael Catapat, 21; Jonna Oliva, 18; at Narciso Elardo, 63.
Sa ulat ng Quezon City Bureau of Fire Protection, alas-9:00 ng gabi nang sumiklab ang sunog sa Adelfa Compound at Vargas Compound, sa Brgy. Culiat, sa likod ng Montessori School.
Mabilis na kumalat ang apoy matapos mahirapan ang mga bumbero na maabot ang pinagmulan ng apoy sa dami ng mga residenteng nagsisilabasan.
Sa pagtaya ng BFP, humigit kumulang sa 50 tahanan ang tinupok ng apoy na umabot sa ikalimang alarma bago tuluyang naapula alas-2:56 ng madaling araw kahapon.
Inaalam pa ng mga arson investigator ang pinagmulan ng apoy at ang halaga ng mga ari-ariang natupok. (Dolly Cabreza)
The post 5 bumbero, 6 pa nalapnos sa sunog first appeared on Abante Tonite.
0 Comments