Isko minura si Joaquin

Sa vlog ni Maricel Soriano, nagbalik-tanaw si Isko Moreno sa twenty four years niya sa public service.

Ani Yorme, sinadya raw niyang magpahinga muna sa showbiz para magpokus sa politika at makapagsilbi sa kanyang constituents.

Bilang retired public official, nag-enjoy raw siya sa kanyang role bilang Lolo ni Scott, apo niya kay Joaquin Domagoso.

Minura pa raw niya noon si Joaquin na sobra raw matulis kaya nakabuntis sa murang edad.

Gayunpaman, priceless daw pala ang feeling ng isang proud grandpa.

Masaya raw siya na sa edad na 48 ay may nakaka-bonding na siyang apo.

Proud din siya kay Joaquin na nakikita naman niyang responsableng ama sa kanyang apo.

Nag-throwback pa siya na noon daw bumubuo siya ng pamilya, ang balak niya ay magkaroon ng isang dosenang mga anak.

In-advice lang daw sa kanya ng doktor na hindi iyon makabubuti sa kanyang kalusugan .Magiging kawawa rin daw ang misis niya sa pag-aalaga kung sakali.

Sey pa niya, pinasok daw niya ang vlogging dahil sa clamor o request ng kanyang mga follower.

Happy rin siya na katuwang niya ang kanyang mga anak sa pamamalakad ng kanilang events company.

(Archie Liao)

The post Isko minura si Joaquin first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments