‘Kalansay sa aparador’

Budget season na naman.

Bago pa isinumite ng Palasyo ang National Expenditure Program sa taong 2024, kinuwestiyonni Baguio City Mayor Benjamin Magalong ang ‘pork barrel’ ng mga mambabatas.

Ayon sa alkalde dapat may magsalita sa mgamambabatas –senador man o kongresista- sa isyung paggamit ng “pork barrel.”

Ayon kay Magalong sa pagdalo nito sa flag raising ceremony sa Kampo Crame, noong Ika-3 ng Hulyoaraw ng Lunes “nakakalungkot, nothing have we heard from our legislators that they are willing to give up their pork barrels. Nakakalungkot namayroon na nga silang tinatawag na porsiyento sabawat project, hindi pa nagsawa. May porsiyentona nga sila, sila pa ang contractor, sila pa rin angsupplier.”

“Hintayin natin kung ano’ng sasabihin ng atingmga magigiting na legislators. Hintayin natinsilang magsalita,” ayon pa rin kay Magalong.

Sa privilege speech ni Cong Rodante Marcoleta ng Sagip Party List, noong Lunes, ika-31 ng Hulyo – araw din ng Lunes, binasag ng Kamara angkatahimikan kaugnay sa hamon ni Mayor Magalong.

Tinawag ni Marcoleta ang hamon ni Magalong na“big words.”

“Big words, Madam Speaker.”

Pagdating talaga sa kuwalta napakabalat-sibuyasng ating mga public servant.

Aba ay dapat lang, dahil ang pinaguusapan dito ay pera ng taong-bayan,

Buwis na kinolekta sa mga mamamayan ng Republika.

Katwiran ng House of Representatives nasa kanilaang ‘power of the purse’ kaya marapat lamang naang bawa’t piso hangang sa pinakahuling sentiimong kwalta ng bayan ay dapat nabibilang.

Bukod sa Kamara binubusisi rin ng Senado angmga gastusin ng gobyerno, para maseguro na ayosang paggamit sa mga buwis na kinaltas sa taong-bayan.

Ang pagbusisi ng Kongreso sa taunang budget ng gobyerno ay transparent dahil naka-livestream upang makita ng publiko.

Subali’t bakit may mga narrative tayong naririnigmula pa mismo sa taong nagpapatakbo ng gobyerno kaugnay sa paggamit ng pondo ng bayan?

Normal lang kung marinig natin ito sa mga‘advocacy wacthdogs’ pero kung magmumulamismo sa mga taong-gobyerno – may problemasiguro at baka seryoso.

Kung sabagay tanong nga ni Mang Juan – sino basa mga pulitiko ang walang kalansay na itinatagosa kanilang mga aparador?

The post ‘Kalansay sa aparador’ first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments