Level-up ang serbisyo

Kapag sinsero sa paghahatid ng serbisyo at hindi binabalewala ang kapakanan ng consumers ay talagang madaling maabot ang tagumpay.

Katulad na lamang ng More Electric and Power Corporation(More Power) na Distribution Utility(DU) sa Iloilo City na level-up na sa ngayon.

Aba’y 4 taon pa lamang ang More Power bilang DU ay mayroon na rin itong teknolohiya na kayang ipantay sa malalaking power supplier gaya ng Manila Electric Company (Meralco) na ilang dekada nang naghahatid ng serbisyo.

Ito ay dahil pumasok kamakailan lamang ang More Power sa isang tripartite agreement sa pagitan ng Energy Regulatory Commission(ERC) at Iloilo City LGU para i-promote ang paggamit ng renewable energy sa lungsod sa pamamagitan ng paglipat sa Net-Metering Program at Distributed Energy Resources(DER) na makatutulog para mabawasan ang electricity cost at greenhouse gas emissions.

Alam n’yo ba na tanging ang malaking distribution company na Meralco at More Power pa lamang ang DU na katuwang ng ERC para sa Renewable Energy Adoption.

Ibig sabihin ang dalawang DU ang may kakayahan para sa bagong teknolohiya. Hindi na nakapagtataka sa panig ng Meralco dahil dekada na itong nag-ooperate subalit sa kaso ng More Power ay maituturing itong bagito pa sa larangan ng power industry.

Ang koloborasyon ng ERC sa More Power para sa renewable energy ay kauna-unahan sa Visayas, nangangahulugan na nadaig pa ng kompanya ang iba pang matatagal na distribution utilities at electric cooperatives.

Hindi ba’t nakakatuwang makarinig ng ganitong mga magagandang balita na hindi lang malaking tulong sa publiko kundi maging sa ating kalikasan.

Bago kasi pumasok sa Net Metering at DER ang distribution utility sa consumers ay dapat mayroon itong impraktrakstura gaya ng paglalagay ng smart meters, advanced communication systems at iba pa.

Pero hindi ito naging sagabal para sa More Power dahil mabilis itong nakasasabay sa teknolohiya bunsod ng malaking investment nito na umabot sa P2 billion.

Alam nyo bang sa kabila ng pandemic ay naisakatuparan ng More Power ang kanilang modernization blueprint pangunahin na ang target na pag-upgrade sa pasilidad, pagbili ng bagong equipment, pag implementa ng digital technology sa kanilang operasyon at paglalatag ng solusyon at agresibong kampanya laban sa electric pilferage at illegal connection.

Sabi nga ni MORE Power President at CEO Roel Z. Castro sa simula pa lamang ng kanilang operasyon ay ipinopromote nila ang paggamit ng green energy, sa katunayan ang paggamit ng renewable energy ang isa sa malaking factor sa pagbaba ng kanilang singil sa kuryente na isa sa pangunahing hangarin ng bawat Pilipino.

The post Level-up ang serbisyo first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments