Magulang nilait GF ng anak, pinagmulta

Ibinasura ng Supreme Court (SC) ang apela ng mag-asawa nang katigan ang desisyon ng Court of Appeals (CA) matapos silang mapatunayan guilty sa harassment, pananakot at pagpapalaganap ng maling impormasyon laban sa naging nobya ng kanilang anak at mga magulang nito noong 2004.

“The best interest of a child cannot justify forms of cruel or degrading punishment which conflict with a child’s human dignity, including ‘punishment which belittles, humiliates, denigrates, scapegoats, threatens, scares, or ridicules a child’,” ayon sa desisyon ng SC kaugnay sa panlalait at paninira laban sa 14 anyos na dalagita na nakarelasyon ng kanilang anak at mga magulang nito.

Base sa 21 pahinang desisyon, isinulat ni Senior Associate Justice Marvic Leonen noong Abril 26, 2023 pero ngayon lang inilabas sa publiko, na inatasan ang couple na bayaran ang dalagita ng P30,000 moral damages, P20,000 bilang exemplary damages, at P30,000 para sa attorney’s fees at litigation expenses na may interes na 6% kada taon.

Ayon sa SC, tumutol ang mag-asawa nang malaman na may relasyon ang kanilang anak sa kaeskuwela nitong biktima.

Sanhi nito, malimit na pinupuntahan ng mag-asawa ang kanilang anak sa eskuwelahan para mailayo sa dalagita.

Tinawag pa ang dalagita ng “malandi” at “makati” sa harap mismo ng mga kaeskuwela nito.

Upang maiwasan ang magulang ng BF, hindi na nakilahok ang biktima at magulang nito sa school activities na nagdulot ng depresyon at naging dahilan para mawala sa “honor roll” at nagtangka pang magpakamatay. (Juliet de Loza-Cudia)

The post Magulang nilait GF ng anak, pinagmulta first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments