Marinong Pinoy nalaglag sa barko, dedo

Patay ang isang Filipino seaman matapos mahulog mula sa cruise ship na kanyang pinagtatrabahuhan habang nakadaong sa Port of Cromarty Firth sa Scotland noong Biyernes, Agosto 25.

Kinilala ng pulisya ng Scotland ang nasawi na si Wenceslao Esguerra Donasco.

Lumabas sa inisyal na imbestigasyon na namatay si Donasco matapos ma-secure ang gangway ng barko mula sa deck 2 at tumama sa gilid ng pier.

Dinala siya sa Aberdeen Royal Infirmary sa pamamagitan ng air ambulance sa Invergordon kung saan idineklara siyang patay ilang oras pagkatapos ng insidente dahil sa mga natamo niyang pinsala.

Ang mga tripulante ng Viking Mars, ang barko kung saan nagtrabaho si Donasco bilang isang seaman/firefighter ay nagpaabot naman ng pakikiramay sa pagpanaw ng biktima. (Dolly Cabreza)

META: Dedo ang isang Filipino seaman matapos mahulog sa cruise ship na kanyang pinagtatrabahuhan sa Scotland.

The post Marinong Pinoy nalaglag sa barko, dedo first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments