ASF gumapang sa Palawan

Kinumpima ang pagkakaroon ng African Swine Fever (ASF) outbreak sa Puerto Princesa, Palawan, matapos na humigit-kumulang sa 300 mga baboy ang namatay dahil sa sakit sa mga babuyan sa Cocoro Island, isang barangay sa munisipalidad ng Magsaysay.

Sinabi ni Dr. Darius Mangcucang, officer-in-charge ng Provincial Veterinary Office (PVO), nitong Huwebes ay nakapagtala sa Cocoro ng tinatayang 300 baboy na namatay dahil sa ASF.

Ibinunyag niya na sa anim na sample ng dugo na nakolekta mula sa mga alagang baboy sa Cocoro na ipinadala sa Bureau of Animal Industry (BAI) para sa pagsusuri, lima ang kumpirmadong nahawaan.

Sinabi ng provincial veterinarian na dahil lahat ng alagang baboy sa isla ay namatay na sa ASF, nakikipagtulungan na sila sa mga awtoridad ng Magsaysay upang maiwasan ang pagkalat ng sakit sa iba pang mga bayan sa Palawan.

Ang PVO, sa pakikipagtulungan ng Philippine National Police at local municipal authorities, ay nagtatag din ng mga checkpoint sa lahat ng entry area sa Magsaysay para sa mga hakbang upang mapigil ang virus. (Dolly Cabreza)

The post ASF gumapang sa Palawan first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments