Asinta nina Chelsea Bernaldez at Randy Pausanos ang back-to-back victories sa kanilang mga panig sa premier age-group category pagpalo ng PPS-PEPP National Juniors Tennis Circuit nitong weekend sa City of Mati, Davao Oriental.
Ito ang pangalawa sa tatlong yugto ng Palawan Pawnshop-Palawan Express Pera Padala netfest sa Davao Region.
Sinorpresa ni Bernaldez ng Tagum City si top seed AJ Acabo sa three-set upang kopoin ang girls’ 18-and-under crown samantalang winalis ni Pausanos si Mark Lacia upang harbatin ang boys’ trophy sa Maragusan stop ng circuit sa Davao de Oro dalawang linggo na ang nakakalipas.
Sinungkit ni Sanschena Francisco, sa kabilang banda ang top seeding sa atat na pigilan si second-ranked Bernaldez sa field na magtatampok din kina Daneen Sinsuat, Maria Jaden Orquia, Jemaillah Retardo, Faith Lazaro, Vann Gumapac at iba pa.
Mula sa Isulan, Sultan Kudarat, inaasahang magiging mahigpit na karibal ni Pausanos sina Gene Espinoza, Bench Neri at Duana Batad kasama si Vancidrik Rosalinda, ang 14-and-U winner sa Maragusan, na maninilat sa seeded bets sa Group 2 tournament na presentado ng Dunlop.
Sina Neri at Rosalinda ang headline sa 16-and-U cast kabilang sina Fritz Pelite, Clarence Sombrero, Adam Repaso, Rio Bestes, Reynald Deliva at Martin Cosal, habang malamang magtuos din sina Francisco at Bernaldez sa distaff side ng age-group class na sasabakan din nina Wendelyn Anino, Queenie Celiz, Roanne Garuda, Camille Clar, Lazaro at Gumapac.
Samantalang patok si Rosalinda ng Maragusan na kopoin uli ang 14-and-U crown, gigil sina Krisnel Batilo, Matt Docena at Pelite na patalsikin siya sa misyon din sa mga titulo ng isang linggong torneo na may nakataya ring ranking points.
Sina Lazaro at Princess Placa ang mga mangunguna sa girls’ 14-and-U roster kasama sina Celiz, Anino, Garuda, Clar, Angela Casanova at Helle Marxian Sira, habang sina Docena, Batilo, Kresthan Belacas at Thomas Bernaldez; at Placa, Casanova, Janella Songcuya, Maxeen Valles, Hanami Dimzon, Maureen Mamaba, Justine Gumbao at Sira mga magpapambuno sa 12-and-U boys’ at girls’ fields.
Samantala, matatapos sa Tagum City ang southern jaunt ng country’s longest talent-search na binuo ng Palawan Pawnshop-Palawan Express Pera Padala na pinamumunuan ni president/CEO Bobby Castro sa Sept. 7-11 sa Davao del Norte.
Para sa iba pang mga detalye at pagpaparehistro, kontakin si event organizer Bobby Mangunay sa 0915 404 6464. (Abante TONITE Sports)
The post Chelsea Bernaldez, Randy Pausanos raragasa sa Mati first appeared on Abante Tonite.
0 Comments