Mayroon nang go signal ang Department of Budget and Management (DBM) para ipalabas ang P50 milyong pondo sa Department of Agriculture para sa implementasyon ng Farmers and Fisherfolk Enterprise Development Program.
Ayon kay DBM Secretary Amenah Pangandaman, sa pamamagitan ng pondo ay mapapala¬kas ang mga panguna¬hing programa sa agrikultura hindi lamang sa mga produktong pansakahan kundi pati na rin sa aquaculture.
Binigyang-diin ng kalihim na isa ang food security sa mga pangunahing prayoridad ng Marcos administration kaya pinapalakas ang agriculture sector sa pamamagitan ng pagpopondo sa mga programang magpapaa¬ngat at magpapalakas sa produksiyon ng mga magsasaka.
“Food security will remain a government priority. Increased funding will be provided for the Department of Agriculture’s major programs… Alongside the development of land-based agri-industries, the government shall also spur the growth of aquaculture,” ani Pa-ngandaman. (Aileen Taliping)
The post P50M sa mga magsasaka, mangingisda nilabas ng DBM first appeared on Abante Tonite.
0 Comments