Bato pinush ‘maboteng’ usapan sa Beijing

Imbes na tadtarin ng diplomatic protest ang China, inirekomenda ni Senador Ronald ‘Bato’ dela Rosa sa kalihim ng Department of Foreign Affairs (DFA) na yayain na lamang sa inuman ang ambassador o sinumang mataas na opisyal ng nasabing bansa.

Binanggit ito ni Dela Rosa nang humarap si Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo sa Senate finance committee hearing nitong Martes para idepensa ang panukalang budget ng kagawaran sa 2024.

“Parang we are sick and tired of all these diplomatic protests. Parang walang nangyayari. Hindi nila inaaksyunan, ini-ignore nila. Siguro [may] other modes, other approaches na puwede natin gawin? You’re in talking terms naman siguro ‘yung ambassador na ‘yan. Puwede mo sila tawagan,” wika ng senador.

“Kung puwede siguro, kung ako ang secretary of Foreign Affairs, tawagan ko ‘yung ambassador na ‘yan. ‘Halika dito. Lasi¬ngin kita.’ Kanya-kanyang diskarte ba…paano ito gawin ‘yan. Diskartehan mo para makuha natin ang impormasyon galing sa kanila,” giit pa niya.

Ayon kay Dela Rosa, dapat ipatawag din ni Manalo ang Chinese ambassador upang magpaliwanag kung bakit nilagyan ng mga boya ang southern portion ng Scarborough Shoal o Bajo de Masinloc na kalaunan ay tinanggal din ng Philippine Coast Guard.

Binanggit din ng senador na dapat lang dagdagan ang confidential fund ng DFA upang sa gayon ay makapag-espiya sila sa China at iba pang bansa tulad ng ginagawa ni ‘James Bond’.

“Tayo lang Jini-James Bond ng ibang bansa eh, tayo wala tayong pang-James Bond,” sambit ng senador.

The post Bato pinush ‘maboteng’ usapan sa Beijing first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments