Oportunidad para sa Pilipinas na higit pang palakasin ang trade at investment nito sa ASEAN-member countries at maging ang pagsusulong ng kapayapaan at katatagan sa rehiyon.
Ayon ito kay Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez na kasama ni Pangulong Bongbong Marcos na dumalo sa 43rd ASEAN Summit sa Jakarta, Indonesia.
“The ASEAN summit provides an excellent venue for President Marcos to showcase the distinct advantages the Philippines has as a trade and investment hub so as to create more jobs and business opportunities for the Filipino people,” ani Romualdez.
Tinukoy ni Romualdez ang mga legislative reforms tulad ng pagsusog sa Public Service Act, Foreign Investment Act, Retail Trade Liberalization Act na nagbubukas ng pintuan sa bansa para sa papasok ng dayuhang investors gayundin ang mga insentibo para sa investor sa ilalim ng Corporate Recovery and Tax Incentives for Enterprises Act (CREATE).
(Eralyn Prado)
The post Romualdez: ASEAN summit oportunidad sa ‘Pinas first appeared on Abante Tonite.
0 Comments