Nanawagan ang Department of Health (DOH) sa publiko na huwag nang isama ang mga maliliit na bata sa mga sementeryo ngayong Undas.
Ayon sa DOH, ginawa ang paalala para maiwasan ang posibilidad na mahawa ang mga paslit ng sakit o magtamo ng sugat dahil na rin sa inaasahang pagdagsa ng maraming tao sa mga sementeryo.
“I am advising parents and caregivers not to bring small children to cemeteries as overcrowding and intense heat and sudden unexpected downpour may cause diseases to small children,” pahayag ni Health Secretary Teodoro Herbosa.
Sa kabila ng paghina ng mga kaso ng COVID-19 sa bansa, nananatili pa rin umano ang banta nito sa kalusugan ng mga Pilipino. May mga naitatala pa umanong pagtaas ng COVID-19 infection sa ilang rehiyon.
Paliwanag ni Herbosa, mahina ang resistensya ng mga bata laban sa impeksiyon kung kaya’t dapat pag-ingatan ang mga ito.
Samantala, pinag-iingat din ng DOH chief ang publiko sa pagbili ng mga pagkaing itinitinda sa loob at labas ng mga sementeryo, katulad ng mangga, sandwich, fruit juice at iba pang street foods.
Binigyan-diin ni Herbosa na mas makabubuting magbaon na lamang ng sariling pagkain upang makasiguro na ligtas at malinis ang kanilang kakainin.
(Juliet de Loza-Cudia)
The post DOH inalarma hawaan ng sakit sa sementeryo first appeared on Abante Tonite.
0 Comments