Driver nabitag sa murder

Arestado ng mga tauhan ng Manila Police District – Police Station 10, ang isang jeepney driver sa loob ng minamaneho niyang jeep dahil sa kasong murder kahapon sa Sta. Ana, Maynila.

Si Alexic Accad, 32, jeepney driver at taga-Brgy. 112, Raxabago, Maynila ay inaresto sa bisa ng arrest warrant na inisyu ni Presiding Judge Eduardo Ramon Roldan Reyes, na may petsang Oktubre 5, 2023.

Alas 2:40 ng hapon nang maaresto si Reyes sa Sta. Ana Maynila.,

Walang inirekomendang piyansa ang korte para sa pansamantala nitong kalayaan. (Juliet de Loza-Cudia)

The post Driver nabitag sa murder first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments