‘Libreng sakay’ kontra transport strike ilalarga

May-alok na libreng sakay ang Quezon City government sa mga commuters sa pamamagitan ng kanilang QCity Bus service upang hindi maapektuhan ng planong tigil-pasada ng transport group sa Lunes, Oktubre 16.

Ayon sa QC LGU, magpapakalat sila ng mga karagdagang bus units sa Routes 4, 6, at 7 para maserbisyuhan ang mga pasahero na maapektuhan ng transport strike ng ilang grupo.

Ang rutang 4 ay mula sa QC Hall hanggang General Luis habang ang route 6 ay mula QC Hall hanggang Gilmore, at ang route 7 naman ay mula QC Hall hanggang C5 Road at Ortigas Avenue Extension.

Magpapakalat din umano sila ng mga traffic enforcer mula sa Traffic and Transport Management Department ng lungsod upang tumulong sa mga motorista at commuters. (Dolly Cabreza)

The post ‘Libreng sakay’ kontra transport strike ilalarga first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments