Maaari lamang sentensiyahan ng multa sa halip na pagkabilanggo ang isang akusadong napatunayang guilty sa online libel.
Ito ay matapos na ibasura ng Supreme Court En Banc, sa pamamagitan ni Associate Justice Antonio T. Kho, Jr., ang Petition for Review on Certiorari na inihain ng People of the Philippines laban kay Jomerito S. Soliman.
Sa naturang desisyon, binasura ng SC ang apela ng Solicitor General na gumawa ng grave abuse of discretion ang Court of Appeals nang kumpirmahin ang desisyon ng Quezon City RTC na P50,000 multa lang at hindi pagkakulong ang parusa kay Soliman sa online libel
“Considering the foregoing, the Court rules that the CA correctly found that the RTC did not gravely abuse its discretion in imposing the penalty of a fine only,” ayon sa SC.
Noong 2019, hinatulan ng RTC na guilty si Soliman sa online libel at pinagbayad ito ng multang P50,000. Agad naman itong nagbayad ng multa at hindi na inapela ang kaso.
Ginamit ng RTC ang Supreme Court Administrative Circular 08-2008, na nagpapahintulot sa multa imbes na kulong sa mga kasong libelo. (Juliet de Loza-Cudia)
The post Parusa sa online libel puwedeng multa lang – SC first appeared on Abante Tonite.
0 Comments