‘Diablox’ inako hacking sa mga gov’t website

Isang indibidwal ang umako sa responsibilidad sa hacking ng ilang government websites.

Sa recorded video message na pinost sa X, dating Twitter, isang account na ‘Diablox Phantom’ ang humingi ng paumanhin sa mga naapektuhan ng hacking.

Kinumpirma ni DICT spokesperson Assistant Secretary Aboy Paraiso na kilala nila si Diablox Phantom.

“There is an ongoing investigation by the CICC (Cybercrime Investigation and Coordinating Center) for proper attribution of his identity and his claims,” saad ni Paraiso.

Nilinaw naman ng taong sangkot sa cyberattack na wala siyang plano na ibenta ang data na nanakaw niya sa hacking.

“Maasahan niyo na buburahin ko ang data na hawak ko. Pagkatapos ng insidenteng ito wala na pong Diablox Phantom ang mabubuhay sa cyberspace,” sabi ni Diablox Phantom.

“Pangha-hack ko sa website ng gobyerno ay passion ko lamang po ito at wala pong ibang nagtutulak sa akin na gawin po ito,” dugtong pa niya.

The post ‘Diablox’ inako hacking sa mga gov’t website first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments