Trahedya sa outing Kelot dedbol sa pool

Nabahiran ng lungkot ang masayang pagsasama ng mga manggagawa sa isang kumpanya nang masawi sa pagkalunod ang isang 31-anyos na lalaki na lumusong umano ng nakainom sa pool ng isang resort sa Tanza, Cavite noong Sabado nang hapon.

Isinugod pa sa ospital ang biktima na si Jayboy Lagari, nakatalaga sa production section ng isang kumpanya sa No. 432 Calbayog st. Highway Hills, Mandaluyong City pero hindi na ito umabot nang buhay.

Sa ulat, nagkayayaan ng outing ang mga manggagawa sa Hardin ng Postema resort sa Barangay Sahud Ulan, Tanza, Cavite.

Sa kalagitnaan umano ng inuman ng grupo, lumusong sa pool ang biktima bandang alas 5:20 nang hapon.

Ilang sandali ay napansin ng kanyang mga kasama ang biktima na nakalutang sa tubig kaya agad nila itong inahon para dalhin sa ospital.

Gayunman, hindi na rin ito umabot nang buhay sa ospital. (Gene Adsuara)

The post Trahedya sa outing Kelot dedbol sa pool first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments