BBM biyaheng Amerika para sa APEC Summit

Nakatakdang bumiyahe si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Amerika para dumalo sa 30th Asia Pacific Economic Cooperation (APEC) Leaders’ Summit na gaganapin sa San Francisco, California.

Sa pre-departure meeting sa Malacañang nitong Martes nang hapon, sinabi ni Department of Foreign Affairs (DFA) Undersecretary Charles Jose na ang APEC summit ay sa Nobyembre 15-17.

Ayon kay Jose, mahalaga ang APEC sa Pilipinas dahil ito ang pangunahing forum para sa pakikipag-ugnayan sa iba’t ibang ekonomiya sa Asia-Pacific Region kung saan 11 sa top trading partners ng bansa ay mi¬yembro ng APEC.

“The President is attending this year’s 30th APEC Economic Leaders Meeting which will be held on November 15, 16 and 17 in San Francisco, California, USA,” ani Jose.

Bukod sa pagdalo sa APEC meeting ay mayroon ding side trip ang Pangulo sa Los Angeles at Hawaii kung saan magkakaroon ito ng ibang mga aktibidad kabilang na rito ang pakikipagkita sa Filipino Community. (Aileen Taliping)

The post BBM biyaheng Amerika para sa APEC Summit first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments