Israel minister yari sa lusawin Gaza ng nuclear bomb

Naging kontrobersyal ang isang miyembro ng gabinete ni Israel Prime Minister Benjamin Netanyahu dahil sa pahayag na maaari umanong bagsakan ng nuclear bomb ang Gaza Strip para mapulbos ang militanteng grupo ng Hamas.

Base sa mga ulat, nangyari ang pahayag sa isang panayam sa radyo kay Heritage Minister Amihay Elihayu kung saan tinanong ito kung posible ba ang nuclear strike laban sa Hamas.

Naging laman umano ng mga balita ang pahayag ni Eliyahu sa Arab media at maging sa kanilang bansa.

Sa pahayag na inilabas ng tanggapan ni Netanyahu, sinabi na sinuspinde na sa pagdalo sa mga pulong ng gabinete si Eliyahu.

Ayon sa ulat, kabilang ang naturang ministro sa far-right party ng coalition government ng Israel.

The post Israel minister yari sa lusawin Gaza ng nuclear bomb first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments