Pansamantalang isinara ang gasolinahan sa Quezon City nitong Lunes dahil sa umano’y ‘gas leak’.
Agad na kinordonan ng QC Bureau of Fire Protection (BFP) ang Power Fill gasoline station sa Visayas Avenue matapos na umalingasaw ang amoy ng gas na nagmumula sa gasolinahan.
Sinabi ng mga residente na nagsimula silang makaamoy ng gas nitong Linggo ng gabi, at lumakas pa nitong Lunes.
Nagtungo sa lugar ang mga kinatawan ng QC government, BFP, at Department of Environment and Natural Resources (DENR) para imbestigahan ang insidente.
Sinabi ng mga awtoridad na ang reserbang gas ng underground fuel tank ay dapat masipsip bago sila makapagsagawa ng gas leak test.
Dahil naman dito, bahagyang may pagsikip sa daloy ng mga sasakyan na papasok ng Visayas Ave., mula sa Elliptical Road dahil isinara rin maging ang isang lane sa tapat ng gasolinahan. (Dolly Cabreza)
The post Istasyon ng gas sumingaw sa tagas first appeared on Abante Tonite.
0 Comments