Hindi nakalusot sa mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) ang isa pang American sex convict na makapasok ng bansa sa pamamagitan ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA).
Sa ulat kay BI Commissioner Norman Tansingco, ng border control and enforcement unit (BCIU) ng BI, ang pasahero na si Terry Lynn Spies, 60, ay naharang noong Nobyembre 3, nang dumating sakay ng isang Eva Air flight mula Taiwan.
Una nito, naglabas ng alert order si Tansingco na inaatasan ang immigration officers (IOs) sa mga paliparan na pigilan ang pagpasok ni Spies.
Ayon sa ulat, pinabalik na si Spies sa US noong Nob. 4 sa pamamagitan ng flight ng Eva Air papuntang Taipei patungo sa US.
Si Spies ay isa lamang sa higit 140 dayuhan na tinanggihan ng BI sa taong ito para sa kanyang rekord na may kinalaman sa mga krimen sa sex.
Sa impormasyong ibinigay ng US Department of Homeland Security (DHS), ibinunyag ng national central bureau (NCB) ng Interpol sa Maynila na noong Nobyembre 2012, hinatulan ng korte sa Texas si Spies dahil sa online solicitation ng isang menor de edad.
(Mina Navarro)
The post Manyakis na Kano, nilambat sa NAIA first appeared on Abante Tonite.
0 Comments