Tondo boy, 4 beses binistay

Patay ang isang 27-anyos na lalaki matapos pagbabarilin ng riding in tandem na suspek kamakalawa ng gabi sa may Maria Guizon St. corner Leyte St., Gagalangin, Tondo, Maynila.

Sa imbestigasyon ni PCpl Christian Pineda, ng Manila Police District -homicide section, kinilala ang biktima na si Joseph Lugtu, 27, taga-Gagalangin, Tondo.

Naganap ang insidente alas-10:30 ng gabi habang bumibili ang biktima at kanyang mga kaibigan ng ‘mixed rice.’

Nakasakay umano sa Yamaha NMax na walang plaka ang mga suspek na agad bumaba ng motorsiklo nang makita ang biktima at binaril ng apat na beses na naging sanhi ng kanyang agarang kamatayan.

Mabilis na tumakas ang mga suspek habang dinala naman ang bangkay sa Body and Light funeral para sa awtopsiya.

Patuloy na inaalam ng pulisya kung may kinalaman sa iligal na droga o personal na galit ang motibo sa pagpaslang. (Juliet de Loza-Cudia)

The post Tondo boy, 4 beses binistay first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments