Mark Nonoy, Green Archers palaban pa sa twice-to-beat

STANDING

TEAM W L

UP 11 3

DLSU 10 3

NU 10 3

ADMU 7 6

ADU 6 7

UE 4 9

FEU 3 10

UST 1 12

Mga laro sa Sabado

(Big Dome-QC)

2 pm – FEU vs UST

6 pm – ADMU vs DLSU

Nagsabwatan sina Mark Nonoy at Raven Cortez sa De La Salle University upang muling paamuin ang Far Eastern University, 80-70, at manatili sa kontensyon sa Top 2 na may twice-to-beat incentive sa 86th UAAP Men’s Basketball Tournament Miyerkoles ng gabi sa SM Mall of Asia Arena.

Tumikada si Cortez ng 16 points panukli kay best player of the game Nonoy na umiskor ng 15 lahat sa tres kung saan 5-of-10 siya rekado sa 3-teals upang pahabain ang ratsada Green Archers sa pito tungo sa 10-3 karta at saluhan ang National University sa No. 2 sa team standings.

Dahil sa panalo lalong lumakas ang tsansa ng Taft-based squad sa pinaglalawayang twice-to-beat incentive na ibibigay sa top two teams pagkatapos ng 14-game double round robin eliminations.

“I’m just happy na undefeated pa rin kami this second round and yung mga wins na yan, we did it because we stick to the system,” lahad ni Cortez.

Solo sa Tuktok ang University of the Philippines Fighting Maroons hawak ang 11-2 (won-lost) kartada patungo sa krusyal na patapos na yugto ng torneo.

Sinilat naman ng Adamson University (6-7) ang Bulldogs, 68-62.

(Elech Dawa)

The post Mark Nonoy, Green Archers palaban pa sa twice-to-beat first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments