DPWH lulusawin P203B badyet sa baha – Lacson

Nanghihinayang si dating Senador Panfilo “Ping” Lacson kung mawawaldas lamang ang P203 bilyong pondo na hinirit ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa ilalim ng panukalang badyet nito sa 2024 para gamitin sa mga flood control project.

Nagbabala si Lacson na maaaring malustay ang malaking pondo para sa mga flood control project kung wala namang matinong plano ukol dito ang DPWH.

Nauna nang inaprubahan ng Senado ang kabuuang P822 bilyong badyet ng DPWH para sa susunod na taon. Nakapaloob dito ang P203 bilyon para sa pagpapagawa ng mga proyekto upang kontrolin ang mga pagbaha.

Sa kanyang post sa X nitong Miyerkoles, Nobyembre 15, kinalampag ni Lacson ang atensyon ng publiko dahil sa pangamba na baka mauwi lamang sa korapsiyon kung walang maayos at malinaw na plano ang DPWH sa badyet nito.

“BUDGET PA MORE: Under the DPWH proposed budget of P681B for OPERATIONS, P203B is earmarked for FLOOD MANAGEMENT PROGRAM,” tweet ni Lacson.

“With no defined and organized planning, many Filipinos will still drown in floodwaters while money will be flooding a few deep pockets of corruption,” ayon pa sa dating senador.

Kilalang metikuloso si Lacson pagdating sa taunang badyet ng gobyerno at sinisilip nito ang mga pondo na hinihingi ng bawat ahensiya.

The post DPWH lulusawin P203B badyet sa baha – Lacson first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments