Arestado ng mga ahente ng National Bureau of Investigation (NBI) ang isang nagpapanggap na abogado na nakapambudol na ng may P19 milyon sa pagitan ng Marso hanggang Oktubre,2023 sa may Bacoor City.
Nahaharap sa kasong Estafa sa ilalim ng Article 315 (2)(a) ng Revised Penal Code (RPC) at Unauthorized Practice of Law, ang suspek na si Ma. Erika Jouielun sa Bacoor City Prosecutors Office.
Sa reklamo ng complainant sa National Bureau of Investigation – National Capital Region (NBI-NCR), nagpakilala sa complainant ang suspek bilang isang Atty. Mendoza, na umano’y isang top caliber lawyer at nakapanghingi na ng P19 milyon bilang legal fees at bayad sa kanyang serbisyo.
Nalaman na bago isinailalim sa entrapment operation ay muling nanghingi ang suspek ng P5 milyon sa complainant bilang kabuuang bayad sa kanyang legal services at assistance.
Sanhi nito, nagreklamo ang complainant sa NBI at ikinasa ang entrapment operation noong Nob. 16 na ikinaaresto ng suspek.
(Juliet de Loza-Cudia)
The post Pekeng abogado nambudol ng P19M first appeared on Abante Tonite.
0 Comments