Pista ng Pagtatalaga kay Maria

Ang pagtatalaga kay Maria sa Templo bagamat wala sa Bibliya ay taun-taong ipinagdiriwang kapwa ng Simbahang Katolika at Ortodokso ng Silanganan. Ang nasabing Pista ay base sa ‘Protoevangelium of James’ na inilathala taong 145. Sa nasabing dokumento nakasaad ang pag-aalay kay Maria sa Templo noong ito’y tatlong taong gulang.

Saad ng Simbahan, “the feast gives a human dimension to the existence of Mary. While the historicity of the document has been questioned, the event has always been a day for religious men and women to consecrate themselves to God, in imitation of the Virgin Mary.” Lumaganap ang paggunita noong Siglo VII sa Silangan.

Hindi man mababasa sa Banal na Kasulatan ang tungkol sa mga unang taon at kabataan ng Mahal na Birhen,, gayunman ayon sa tradisyon, ang paggunita ng pag-aalay at patatalaga kay Maria sa Templo ay pasasalamat ng kayang mga magulang na sina San Joaquin at Santa Ana sa himalang paglilihi ng kanya sa kabila ng kanilang katandaan.

Hindi naniniwala ang Simbahan sa haka-haka na nagbitiw ng pangako sa Ditos si Maria upang manatiling Birhen habang buhay noong ito’y nasa Templo. Gayunman, ayon kay Papa San Paul VI, sa kanyang murang edad isinuko na ni Maria ang kanyang sarili sa Panginoong Diyos na nagkaloob sa kanya ng biyayang manatiling walang-sala noon pa mang siya’y ipinaglihi.

Saad ng Simbahan, “even if we don’t know if Mary lived her childhood in the Temple, considering her special relationship with God’s house can give insights into her early years.” Dahil sa paniwalang pagtigil ni Maria sa Templo maraming paniniwala ang nabibigiyang-liwanang katulad ng kaugnayan niya kay San Jose at mga sagot niya sa angel nang isiwalat nito na siya ang itinalaga ng Diyos na maging Ina ng Mesiyas.

Mas mauunawan rin natin ang kasanayan ni Maria sa pagsisilbi sa bahay ng kanyang pinsan na si Isabel at asawa nitong si Zacarias dahil sa pagsasanay na tinanggap niya habang nasa piling ng mga saserdote ng Templo. Higit pa rito, mas nagkakaroon ng rason ang kanyang pagsisiwalat ng ‘Magnificat’ o awit papuri sa Diyos dahil sa kanyang karanasan sa Templo.

Maging ang paghahandog ng Batang si Hesus sa Templo ay nagkakaroon ng kahulugan dahil sa pagkatira ni Maria sa bahay dalanginan noong siya’y bata pa. Ayon sa mga eksperto sa Bibliya malamang nakilala agad siya ni Simeon at Ana nang ilapit niya ang kanyang Anak na si Hesus upang ihandog sa Templo.

Sa huli, ang pagkatagpo sa batang si Hesus sa Templo noong ito ay nawala ay nagpatunay lamang kung gaano kahalaga ang Banal na Dalanginan sa mag-ina— ang Templo ay bahay ng Ama at kanilang tunay na tahahan! Sa Banal na Templo lumbago at nakamit ni Maria ang tugatog ng kabanalan dahil sa kanyang total na dedikayon sa kalooban ng Diyos.

Ito ang hamon, giit sa Simbahan ng Pista ng Panghahandog kay Maria sa Templo: upang wala tayong ipagkait sa Panginoon na nagbibigay sa atin ng oportunidad na makilala, mahalin at pagsilbihan Siya. Saad ng Iglesya,“today we celebrate the complete surrender Mary makes for the salvation of mankind. Ask Mary to help you live your dedication to the full, in whatever state God has placed you in accordance with the specific vocation you have received.”

Tumatayong inspirasyon samakatuwid ang Pista ng Pagtatalaga sa Mahal na Birhen upang isuko natin ang ating sarili nang may buong pananalig at pagtalima sa mga plano ng Diyos sa ating buhay. Nawa maihandog din natin lahat sÄ… Panginoon at ipatungkol ang lahat ng bagay sa Kanya.

Ngayong Pista ng Mahal na Birhen, ialay nawa natin ang ating iisip, salita at gawa sa Diyos, sa pamamagitan ng Kalinis-linisang Puso ni Maria. Ipagtungkol nawa natin ang lahat sa Poon sapagkat ang tanang bagay ay nagmula sa Kanya. Kailangan ng Panginoon ang ating kooperasyon upang maibuhos Niya nang lubasan ang Kanyang biyaya sa ating buhay.

“Santa Maria, tulungan mo kaming matamo ang ganap na kabanalan sa pag-araw araw na pamumuhay. Ipanalangin Mo kami upang gamitin ang aming lubos na kakayahan sa pagtalima sa bulong ng Espirtu. Ituon nawa namin ang aming sarili sa buong pag-ibig na pagsisilbi sa Diyos na sanhi ng lahat ng kabanalan. Amen.”

The post Pista ng Pagtatalaga kay Maria first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments