Thang Ponce, Choco sa Last 4

STANDING

TEAM W L

Creamline* 8 0

Choco Mucho* 8 1

Chery Tiggo 7 1

Cignal 6 3

PLDT Fibr Home 5 4

Petro Gazz 5 4

Akari 5 4

F2 Logistics 4 5

Nxled 3 6

Farm Fresh 1 8

Galeries Tower 0 8

QC GerFlor 0 8

Mga laro sa Sabado

(Philsports Arena)

2 pm – Cignal vs Nxled

4 pm – Akari vs Petro Gazz

6 pm – F2 Logistics vs Chery Tiggo

Todo-damba sa bola si Tonnie Rose ‘Thang’ Ponce upang isalba sa ‘di sukat akalaing lusot pa ang Choco Mucho kontra PLDT Home Fibr, 25-20, 23-25, 18-25, 25-17, 15-12 sa 6th Premier Volleyball League 2023 2nd All-Filipino Conference elims Huwebes ng gabi sa Philsports Arena, Pasig.

Dehins nagpadaig sa matutulis na atake ng kalaban ang dating Adamson University Lady Falcons libero na sumalo ng 23 excellent digs at 11 excellent receptions para sa otso-deretsong salanta ng Flying Titans sa 8-1 (win-loss) karta.

Higit sa lahat sinakote ang ikalawang silya sa semifinal round sa pagbuntot sa defending champion at league-leader Creamline (8-0) na unang winalis ang Nxled sa paliga ng Sports Vision Management Group, Inc., na mga hatid ng Mikasa, BingoPlus, ArenaPlus, SMART, Rebisco, Milcu, Kumu, Asics at SportRadar.

“Sobrang saya namin, ito ang pinagtrabahuhan namin at mas magtatrabaho pa kami sa semis,” bulalas ng 5-foot-1 floor defender na hinangaan ng kanyang mga kakampi dahil sa sipag sa pagdepensa sa mga atake ng PLDT. “Sinasabi lang sa amin ni coach (Dante Alinsunurin), na nasa amin ang problema, pero sabi niya tibayan namin, kaya nilakasan lang namin ang loob namin. Back to the drawing board, papahinga lang pero laro ulit.”

Pero si Cherry Ann ‘Sisi’ Rondina nanguna sa opensiba ng Choco sa 20 points (19 attacks) at 20 excellent receptions.

Salampak sa ikatlong sunod na olats ang High Speed Hitters para tumabla sa panlima sa 5-4 at nameligro sa semis sa kabila ng game-high 31 markers sni Savannah Dawn Davison.

(Gerard Arce)

The post Thang Ponce, Choco sa Last 4 first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments