EJ Obiena, Alex Eala tatanggapin award

Sama-sama at pararangalan ang kinabukasan ng Philippine sports sa 3rd POC PSC Media Group Siklab Youth Sports Awards Night 2023 ngayon (Disyembre 4) sa Market! Market! Activity Center Ayala Malls sa BGC, Taguig City.

May 58 batang atleta mula sa 33 sports ang magbibigay pansin sa nagbabalik na parangal na inorganisa ng POCPSCMG sa liderato I Felipe ‘June’ Navaroo III ng Philippine Daily Inquirer.

Pangungunahan anb mga awardee nina tennis star Alexandra ‘Alex’ Eala, World Combat Games champion Alyssa Kylie Mallari ng muay thai, weightlifting world youth champion Prince Keil Delos Santos, gymnast Karl Eldrew Yulo — isang Asian championship junior silver medalist – at Southeast Asian Games gold medalists na sina Kira Ellis at Matthew Hermosa, kasama ang 18 iba pa.

Tatanggap sila ng Go for Gold Siklab Young Heroes awards kasama sina Southeast Asian Games silver medalist Gennah Malapit ng athletics, boxer Ronel Suyom, golfer Rianne Mikhaela Malixi, gymnasts Charlie Manzano at Breanna Labadan, jiu-jitsu’s Santino Luzuriaga at Bianca Bustamante ng motor sports.

Ang Asian pole vault king na si Ernest John ‘EJ’ Obiena ang tampok sa okasyon bilang “Sports Idol” sa kaganapang para sa pinakamahuhusay na Pilipinong junior athletes na 18 taong gulang pababa.

Ang Siklab Awards ay magbibigay din ng espesyal na citation sa Youth Football League at Davao Aguilas Football Club na mga suportado ni Quezon City 1st District Rep. Juan Carlos ‘Arjo’ Atayde.

Bukod dito, ang Para Youth Star plum ay igagawad kay Asean Para Games double gold medalist Ariel Alegarbes.

Ang sports patron na si Senador Bong Go ay kikilalaning Godfather Award sa event na mga sinusuportahan ng MVP Sports Foundation, Smart/PLDT, CEL Logistics, JC, NLEX, Pacquiao 3-in-1 Coffee, Blue Hydra, Giligan’s, QC third district konsehal Dok G Lumbad at Market! Market! Ayala Malls.

Bibigyan ng Burlington Super Kids Award ang mga world champion na sina Joseph Anthony Godbout ng modernong pentathlon, pitcher Erica Arnaiz ng softball, muay’s Jan Brix Ramiscal at Asian championships bronze medalist Jasmine Althea Ramilo ng gymnastics, gayundin sina wrestling Lucho Aguilar, Trisha Mae Del Rosario ng obstacle sports at karateka Sebastian Niel Mañalac.

“Rising Stars” awardee sina Christian Gian Karlo Arca at Mark Jay Bacojo ng chess, Aielle Aguilar ng jiu-iitsu, Princess Reuma, Yanna Marte, Mazel Alegado ng skateboarding at fencer na si Jodie Danielle Tan.

Ito ang pangatlong edisyon ng Siklab – at ang una mula nang tumama ang pandemya ng COVID-19 noong 2020 – kasunod ng una at ikalawang yugto noong 2018 at 2019.

(Lito Oredo)

The post EJ Obiena, Alex Eala tatanggapin award first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments