Buwan ng pagbibigayan, unawaan at pagpapatawaran.
Ito rin ang buwan na bigayan ng bonus, kapwa sa gobyerno at pribadong sektor.
Ito ang buwan ng mga yearly, accomplishment at achievements report ng mga kompanya, nasa pribado man o gobyerno.
Sa buwan din ng Disyembre isinusumite ng mga Non- Government Organizations at charitable institution ang kanilang mga ‘annual activities’ para muling makahingi ng panibago at karagdagang pondo sa susunod na taon.
Kaya naman ang lahat obligadong tapusin ang mga nabiting gawain. Ang mga back load ay tinatapos bago ang takdang deadline para wala ng alalahanin sa pagsisimula ng sunod na taon.
Gustong salubungin ang bagong taon ng positibo at mataas ang enerhiya.
Ang pagpapakawala ng pondo ng bayan ay nagganap sa iba’t-ibang porma dahil kapag hindi nagamit babalik ito sa National Treasury bilang bahagi ng General Funds.
At dahil mabilis ang sirkulasyon ng pera sa merkado hindi alintana ng publiko ang paggastos kahit mataas ang presyo ng bilihin at serbisyo.
Ang mga naisubing pera, pribado man o publikong pondo ay pinakakawalan para maging ‘Merry ang Chistmas.’
Kaliwa’t-kanan ang mga ‘X-mas Party’ kaya kalmado na lang pag ma-trapik.
Ang mga mall may kanya-kanyang gimik para mahikayat ang mga tao na gumastos. Kahit nga ang mga LGUs naglunsad ng mga ‘night market’ sa kanilang mga lugar. Nalilibang na ang kanilang mga nasasakupan, nakakatulong din ang mga night bazar sa kanilang lokal na ekonomiya.
Sa buwan din ng Disyembre nagtatapos at nagsasara ang mga bagong kontrata, matapos ang mga paghahanda at plano para sa sunod na taon.
Tulad na lang sa larangan ng pulitika.
Nobyembre pa lamang ang mga paghahanda ng mga ‘stakeholders’ ay lumutang na. Maingay na ang daigdig ng pulitika.
Ilan sa mga kaganapan ay ang paglaya na si dating Sen Leila de Lima.
Naging aktibong muli ang dating Pangulong Rodrigo Duterte. Ang mga pahayag hindi man direktang nakatuon kay Pangulong Bongbong Marcos ay sapul naman ang mga kaalyado, lalo na sa Kamara.
Ang ‘binaril’ na Confidential at Intelligence Fund ni Vice President Sara Duterte ay naging mitsa upang magsalita ang dating Pangulong Digong. Naalarma rin ang kampo ni Digong sa naging pahayag ni PBBM na bukas ang kanyang administrasyon na bumalik na muli ang Pilipinas sa pagiging miyembro ng International Criminal Court.
Nagsisimula pa lamang ang Disyembre, marami pa ang mangyayari.
The post Disyembre na! first appeared on Abante Tonite.
0 Comments