Jail guard, 7 pa nadale sa karambola ng mga sasakyan

Walo katao ang nasugatan matapos na araruhin ang kanilang sinasakyan ng lasing na motorista sa Quezon City nitong Huwebes ng madaling araw

Kinilala ang mga biktimang sina SJO1 Archimedes Tejuco Delos Reyes 44, driver ng Mitsubishi Montero (NCL 8287); Marvin Alcantara, 39, sakay ng Yamaha Sniper (872 QMM); Jocel Lucena Vilgera, 35, driver ng Yamaha NMAX155 motorcycle (156 NUT) at backride nito; taxi driver na si Rodrigo Pande Garcia, 53 at pasahero nito; rider ng Yamaha FZ Motorcycle at Dennis Arn Bugaoan Carino, 44, driver ng Honda CRV na may plakang ZNN 848.

Batay sa report ng Quezon City Police District District Traffic Enforcement Unit, dakong alas 12: 43 ng madaling araw nang maganap ang aksidente sa Elliptical Road, sa lungsod.

Sa report ni PSSg Jaime A Samson, sakay ng Honda CRV ay biglang nag-counter flow si Carino mula sa East Ave. na naging sanhi ng karambola ng apat pang sasakyan.

Inamin naman ngg driver na nakainom ito nang magyaring ang aksidente.

Nahaharap sa kasong Reckless Imprudence Resulting to Multiple Physical injuries at Damage to Property ang driver ng Honda CRV.

(Dolly Cabreza)

The post Jail guard, 7 pa nadale sa karambola ng mga sasakyan first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments