Lady Xi Shem bubuhayin si Gabriela Silang

EXCITED si Lady Xi Shem sa pagganap niya bilang Gabriela Silang sa pelikulang Pulahan na pamamahalaan ni Direk Rey Coloma.

Ang Pulahan ay isang kuwento ni Lapu-Lapu at pagdating ni Gabriela Silang sa kanilang adhikain na hindi nailabas sa libro. Ito ay handog ni Direk Coloma na nagdirehe sa pelikulang ‘The Fate’ na pinagbidahan nina Kelvin Miranda at Kenken Nuyad.

Ani Lady Xi Shem,”Bilang producer ng pelikula dapat alam mo rin ang buong istorya at kung sino ang sumulat at direktor nito. Kilala ko si Direk Coloma, isang mabuti at magaling na director. Matutunan mo rito kung paano ka makipaglaban nang patas kahit babae ka, pagtangkilik sa kultura, at pagrespeto sa kasaysayan ng ating bansa.”

Si Lady Xi Shem ay tinaguriang “High Priestess” dahil sa pagiging spiritual adviser nito. Isa siyang celebrity sa dami ng kanyang followers. Itinaguyod niya ang Wicca Philippines Group – isang non-profit organization na rehistrado ng Securities and Exchange Commission o SEC na may adhikaing magtanim ng puno, linisin ang kapaligiran at tumulong sa nangangailangan. Isa siyang Spiritual Mystic, Shaman healer ng USA, Chairman at CEO ng Xi Shem Corporation.

Bukod dito, si Lady Xi ay isa ring entrepreneur, actress, model/influencer, USA ambassador ng Coloma International Talent Management Events Film Productions Incorporated at film producer. Kinilala si Lady Xi hindi lamang sa Pilipinas kundi maging sa ibang bansa. Ilan sa mga natanggap niyang parangal ay ang Jury Special Mention Award ng Wallachia International Film Festival sa Bucharest Romania, Best Feature Film ng Nawada International Film Festival sa India, Best International Short ng New Jersey Film Awards, at World Carnival Singapore award. Nagkamit din siya ng Special Mention sa London International Film Festival at Reels International Film Official Selection.

Na-ordinahan bilang ministro sa Universal Life Church sa Amerika. Ayon kay Lady Xi Shem, isang hamon sa kanya ang humawak ng mga matitinding kaso ng mga tao at siya ay handang harapin ang mga ito.
Para sa ibang detalye, dumalaw sa kanyang official FB page na Xi Shem Official, mag-email sa xishem1111@gmail.com.

(Nonie Nicasio)

The post Lady Xi Shem bubuhayin si Gabriela Silang first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments