NHA bibigyan werpa sa inabandona, ‘di inokupang pabahay

Itinulak sa Kamara ang isang panukala magbibigay ng kapangyarihan sa National Housing Authority (NHA) para bawiin ang mga inabandona o hindi pa inokupahang pabahay project ng gobyerno.

Inihain ni Pinuno party-list Rep. Ivan Howard Guintu ang House Bill 9258 para amyendahan ang Presidential Decree 757, na siyang nagtatag ng NHA, upang bigyan ito ng kapangyarihan na bawiin mula sa mga benepisyaryo ang mga inabandona o hindi inokupahang pabahay.

Bibigyan din ng kapangyarihan ang NHA para bawiin ang pabahay na inokupa ng ibang tao na hindi naman lehitimong benepisyaryo ng proyekto ng gobyerno.

Sa 2022 Performance Scorecard ng NHA Estate Management Department, lumitaw na 22,635 pabahay ang inaward ngunit hindi inokupahan o nananatiling bakante hanggang Hunyo 2022.

(Eralyn Prado/Billy Begas)

The post NHA bibigyan werpa sa inabandona, ‘di inokupang pabahay first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments