Kasabay ng pagkalampag sa mga awtoridad para simulan nang sisirin ang mga bangkay ng missing sabungeros na inilibing itinapon umano sa Taal Lake, nanawagan din ang mga kaanak ng mga biktima sa babaeng showbiz personality na maraming nalalaman sa sindikato.
Sa kanyang panawagan, hiniling ng isang kaanak na si Aurelio Panaligan sa naturang celebrity na makipagtulungan sa mga awtoridad para malutas ang kaso ng pinaslang na mga biktima.
Tiyuhin si Panaligan ng dalawa sa mga nawawalang sabungero.
Matatandaang ibinunyag ni alyas “Totoy” na pinatay na umano ang mga nawawalang sabungero at itinapon ang mga bangkay sa Taal Lake sa Batangas.
Nanawagan din si Panaligan kay Philippine National Police (PNP) chief Gen. Nicolas Torre III para tutukan ang kaso ng mga nawawalang sabungero.
Umaasa umano sila sa magiging aksyon ni Torre para matuldukan na ang misteryo sa likod ng mga pinatay na sabungero.
Hiniling din nila sa Department of Justice na mabantayan ang lugar sa Taal Lake kung saan itinapon ang mga bangkay.
Kabilang si alyas “Totoy” sa anim na sikyo ng Manila Arena na suspek sa mga dinukot na sabungero.
Nauna na ring ipinahayag ng PNP na nakahanda silang bigyan ng seguridad si alyas “Totoy” para sa kaligtasan nito.
“Ang PNP ay handa para mag-provide ng police assistance, including yung pagbigay ng security dito sa lumutang na bagong witness,” ayon kay PNP spokesperson Brig. Gen. Jean Fajardo sa panayam ng mga reporter sa Camp Crame.
Kailangan lamang aniya magsumite ng kanyang affidavit si alyas “Totoy” na kinakailangan para sa case build-up.
The post Celebrity kinonsensiya sa mga missing sabungero first appeared on Abante Tonite.For reliable and efficient cleaning services, mj cleaning services is the name you can trust. Offering a wide range of professional cleaning solutions, m j cleaning services ensures your space stays immaculate, whether it's at home or the office. With a focus on quality and customer satisfaction, m.j. cleaning services delivers exceptional results every time, providing you with a clean and healthy environment you can count on.
0 Comments