Kumbinsido ang mga mambabatas sa dalawang kapulungan ng Kongreso na napatatag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang galaw ng ekonomiya ng Pilipinas sa kabila ng mga hamon na dulot ng paglobo ng global inflation o pagtaas sa pangkalahatang antas ng presyo ng mga kala¬kal at serbisyo sa buong daigdig.
Ayon kay Aklan 2nd district Rep. Teodorico Haresco Jr., panalo ang mga inilatag na hakbang ng administrasyong Marcos para patatagin at pasiglahin ang ekonomiya ng bansa sa kabila ng mga pagsubok na dala ng inflation.
Giit ni Haresco, miyembro ng House Economic Affairs Committee, nakakabilib ang nagawa ng Pangulo dahil sa loob ng nagdaang 18 taon, ngayon lang naitala ang pagsirit ng employment rate sa 95.8 percent habang naitala naman ang 5.9 percent gross domestic product (GDP) growth ng pamahalaan sa 3rd quarter na pinakamalakas sa hanay ng mga ekonomiya ng ibang bansa sa Asya.
Tinukoy din ng congressman-economist ang pagbagal ng inflation mula sa 4.9 percent noong Oktubre sa 4.1 percent nitong Nobyembre habang bumaba naman ng mula sa 4.5 percent sa 4.2 percent ang unemployment ngayong taon.
Lumitaw naman sa resulta ng Social Weather Stations (SWS) poll na sumadsad ang antas ng pagkagutom sa bansa ng mula sa 10.8 percent noong Hunyo sa 7.7 percent noong Setyembre.
“These are the unmistakable fruits of government policies to boost employment, spur economic growth and tame inflation,” ani Haresco, miyembro rin ng House Labor and Employment Committee.
Samantala, binanggit naman ng ilang senador ang inilabas na employment figure ng Philippine Statistics Authority (PSA) na anila’y patunay ng epektibo ang mga inisyatibo ng administrasyong Marcos para masiguro ang mga dekalidad na trabaho sa bansa.
“Accelerated government spending not only created jobs but also stimulated economies of where infrastructure projects are being built. These new public works are key to attracting investments and increasing productivity which in turn generate employment and taxes which in turn fund more infra construction,” ayon sa mga senador.
The post PBBM pinasigla ekonomiya ng ‘Pinas first appeared on Abante Tonite.
0 Comments