DOTr tinengga railway project patungong Clark

Marami ang dismayado sa mabagal na implementasyon ng Department of Transportation (DOTr) sa Calamba to Clark Railway project o ang North South Commuter Rail (NSCR).

Ayon sa mga source, wala umanong masyadong aktibidad ngayon sa railway project, partikular sa Package 3 ng proyekto na in-award sa ITAL-Thai.

Nabinbin umano ang proyekto dahil sa pagkabigo ng DOTr na ayusin ang Right of Way. Ang Package 3 ay mula sa La Pieta sa Angeles City Pampanga patu¬ngong SM Clark.

Ang iba pang package tulad ng Malolos patungong San Fernando package at ang Clark package ay wala rin umanong mga aktibidad sa proyekto.

Kung magpapatuloy ang pagkatengga ng proyekto, posibleng hindi ito matapos sa termino ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa 2028. Ang original timeline ng proyekto na sinimula sa adminis¬trasyon ni dating Pangu¬long Rodrigo Duterte ay matapos ito sa taong 2026 o 2027 pero dahil sa delay ay posibleng sa 2029 o 2030 na ito makumpleto.

Ang NSCR ay isang P870 bilyong proyekto na magdudugtong sana sa Laguna, Metro Manila at Clark at pinopondohan ng Japan International Cooperation Agency (JICA) at Asian Development Bank (ADB). Ito ay elevated hi-speed rail na kapag natapos ay hindi na aabot ng isang oras ang biyahe mula Metro Manila patungong Clark International Airport.

Natumbok naman sa pinakahuling Congressional Oversight Committee on the Official Development Assistance (COCODA) meeting ang palpak na koordinasyon sa pagitan ng mga ahensiyang nagpapatupad sa mga ODA project tulad ng DOTr at Department of Public Works and Highways (DPWH).

The post DOTr tinengga railway project patungong Clark first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments