Sanggol inabandona sa Simbahan

Bago pa ang pagsisimula ng Simbang gabi, isang bagong silang na sanggol ang natagpuan sa pagitan ng mga nakaparandang sasakyan sa isang Simbahan sa Las Piñas City.

Sa report, nakita ng guwardiya ng San Ezekiel Church ang sanggol na nakabalot ng kumot sa loob ng isang eco bag at mahinang umiiyak nitong Miyerkoles ng umaga.

Ayon kay Las Piñas Police chief Col. Jaime Santos, ang eco bag ay nakalagay sa pagitan ng dalawang sasakyan sa tabi ng simbahan.

Nang dalhin sa ospital, nadiskubre umano na walong buwang gulang pa lang ang sanggol at na-diagnose na may sepsis.

(Issa Santiago)

The post Sanggol inabandona sa Simbahan first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments